CEBU – Nais gamitin ng provincial government ng Cebu ang kanilang P11.3 million environmental sanitation budget upang masawata ang locust o balang gayundin ang black armyworms.
Ayon kay Provincial Agriculture Office (PHO) head Dr. Cynthia Genosolango mapipilitan silang gamitin ang naturang pondo dahil sa patuloy na pananalasa ng mga naturang peste.
Nagpadala na ang provincial government ng kakailanganing chemicals upang mapigil ang pagdami ng mga peste sa mga bayan ng Pilar, San Remigio, Bantayan, Santa Fe at San Francisco.
Ang mga naturang bayan ang maituturing na hardest hit areas ng peste dahil umabot na sa R1.7 million ang pinsala nito sa halos 82 hectares.
Sa katunayan ay nagdeklara na ng state of calamity ang Santa Fe at Bantayan upang tuluyan na nitong magamit ang pondo.
Samantala may naitala na din na pagsakop ng mga peste sa bayan ng Asturias at Argao. Kasalukuyang nakikipag-coordinate ang Argao sa provincial capitol upang malaman ang lawak ng pinsala sa kanilang lugar. (Mars W. Mosqueda)