Pinuri ng award-winning Japanese filmmaker na si Masato Harada ang pelikula ni Brillante Mendoza na “Ma’ Rosa.”
Kinumpara pa ni Harada ang “Ma’ Rosa” sa 1980 Martin Scorsese classic na “Raging Bull” at sa 2015 Hungarian Holocaust drama na “Son of Saul” na nanalo sa Academy Award ng Best Foreign Language film.
Para kay Harada, ang “Ma’ Rosa” ay ang matatawag niyang “best picture of 2016”.
“I’m totally fascinated by the reality of that film and the performances throughout…the entire cast doing their best.
“It’s better than ‘Son of Saul’ for me and it’s definitely going to be a classic,” ayon pa ng award-winning filmmaker.
Ang tulad daw ng “Ma’ Rosa” ang hindi na napapanood ngayon ni Harada sa mga Japanese films ngayon.
“That was something that was there in “Ma’ Rosa” and that something is what I’m missing from Japanese cinema today.
“There might be some good films, seemingly the films admired by Japanese critics always disappoint me maybe because of the rummage pacing and it’s untrue,” diin pa niya.
Pinuri rin ni Harada ang buong cast ng “Ma’ Rosa” na pinangungunahan ni Jaclyn Jose, Andi Eigenmann, Julio Diaz, Felix Roco at Jomari Angeles.
Deserve daw ni Jaclyn ang manalo sa Cannes bilang best actress dahil lahat daw ng eksena nito ay “so great” at “every moment is so true”.
Guest of honor si Harada sa naganap na Eiga Sai Japanese Film Festival ng Japan Foundation, Manila and the Embassy of Japan.
Dalawang pelikula ni Harada ang pinalabas noong July 7 and 8 sa CCP Little Theater. Ito ay ang “Kakeromi” and “The Emperor of August.”
Pre-event ito para sa nalalapit na Cinemalaya Independent Film Festival 2016.
Dating journalist si Masato Harada at una siyang bumisita sa Pilipinas ay noong nag-cover siya ng shooting para sa pelikula ni Francis Ford Coppola na “Apocalypse Now” noong 1979.
Nakatrabaho din niya ang legendary filmmaker na si Stanley Kubrick nang siya ang nag-asikaso ng Japanese translation ng pelikula nitong “A Clockwork Orange” in 1971 at “Full Metal Jacket” in 1987.
Naging actor din si Harada at lumabas siya sa pelikulang “The Last Samurai” in 2003 bilang si Omura.
Nais ngang makatrabaho ni Harada ang ilang film writers dito sa Pilipinas. Balak niyang gumawa ng pelikula tungkol sa Bataan Death March. (RUEL J. MENDOZA)