Marahil ay mas ninanais ng balyenang ito na mailibing sa lupa kesa ipaanod na lamang ang kaniyang mga labi sa dagat.
Ito’y dahil naging suliranin para sa mga beach officials ng Southern California ang isang 22-ton, 45-foot humpack whale na patuloy na bumabalik sa baybayin matapos itong hilahin papalaot ng limang beses.
Noong isang linggo lamang ay ibinalik sa karagatan ang humpback whale na pinangalanang Wally nang mamatay at inanod sa shoreline ng Los Angeles County.
Apat na beses itong hinatak pabalik sa karagatan ngunit dinadala naman ito ng malakas agos pabalik sa mga baybayin.
Naging tanyag si Wally dahil sa madalas nitong paglangoy sa Newport Beach.
Naging paboritong subject si Wally ng mga photographers dahil sa kalagayan nito.
Kitang-kita noon ang mga whale lice sa likuran ni Wally, isang tanda na hindi maganda ang kundisyon nito sa kabila ng regular na pagkain nito sa karagatan.
Naging viral ang ang kuha ng isang photographer matapos makunan nito ang tubig na sumirit sa blowhole ni Wally na nagdulot ng mala-rainbow na kuha sa kaniyang camera.
Sa youtube upload ng nasabing kuha ay umabot ng lampas isang million ang views nito.
Kinumpirma naman ni Encinitas Marine Safety Capt. Larry Giles sa Los Angeles Times na si Wally nga ang naanod na dead humpback whale sa Newport beach.
“We’re pretty sure of it because of the other agencies we’ve spoken to. Yeah, it’s Wally,” ani Giles.
Imbes na hatakin muli pabalik ng dagat ay nagdesisyon na ang beach authorities na pira-pirasuhin na lamang ang mga labi ni Wally at ilibing.
Ito’y dahil walang equipment na maaring makabuhat sa higanteng balyena.
Sa katunayan ay naantala pa ang pagtanggal sa balyena matapos maputol ang isang forklift na kanilang ginamit.
Sa kabila nito ay minamadali pa din ng awtoridad ang kanilang aksyon dahil sa lumalalang amoy ng labi ni Wally.
“You can smell it up to about a quarter-mile away,” dagdag ni Giles. (DP)