SAN FERNANDO, LA UNION – Masayang hinawakan ni Rommel Llaneras ang higanteng beehive na nagbigay ng pangamba sa mga residente ng kanilang lugar. Ito’y matapos malaman na ang mga bubuyog na nakatira sa naturang beehive ang isa sa mga pinaka-delikadong uri.
Sinasabing umabot ng halos four feet ang beehive at makailang ulit na din na umatake sa ilang mga kabataan sa lugar.
Sa pangunguna ni University Research Associate 1 Arvin Tuyan ng National Apiculture Research, Training and Development Institute (NARTDI) ay kanilang natanggal ang higanteng pukyutan nang walang napinsala o nasaktan.
(Erwin G. Beleo)