Ligtas na ang sikat na Boracay Island sa Malay, Aklan mula sa kinatatakutang Zika virus, ayon sa Department of Health (DoH).
Sinabi ni Dr. Cornelio Cuachon Jr. ng Aklan Provincial Health Office na makailang ulit na nagsagawa ng field testing sa Boracay Island ang DOH-6 inspection team hinggil sa mosquito-borne disease.
Base sa report ng Korea Times noong Abril, ilan sa mga South Korean ang nagpositibo sa Zika virus matapos magpunta sa Boracay Island.
“While Boracay has been cleared, we still continue to be vigilant,” sabi ni Cuachon. Hinimok din ni Cuachon na pag-igihin ng administrasyon ni Duterte ang health-monitoring screenings at magbigay ng angkop na kagamitan.
Inamin ni Cuachon na kulang ang Kalibo Airport at Caticlan Airport sa mga kagamitan at personnel na maaaring makatuklas ng mga taong may sintomas ng Zika virus.
“For now, we urge every tourists coming to Boracay to be honest with their health condition,” pahayag ni Cuachon. (Tara Yap)