Bubuksan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga training centers sa buong bansa para sa skills development ng drug pushers and users na sumuko.
Sinabi ni Secretary Guiling A. Mamondiong, TESDA director general, na handa ang ahensiya na bigyan ang mga drug personalities ng kaalaman at kakayahan upang hindi na sila bumalik pa sa illegal activities pagkatapos ng kanilang rehabilitation.
“This is in response to reports of convicts and inmates who resort to their old trades after serving time in jail because they have no other means of livelihood,“ Mamondiong said.
Ipinahayag ng kalihim ang proyekto nang magpirmahan ang TESDA at Mindanao State University (MSU) ng memorandum of cooperation para labanan ang kahirapan sa southern Philippines.
Isinagawa ang signing sa TESDA Compound, Bicutan, Taguig. (Martin A. Sadongdong)