NATAPOS na kagabi ang “Once Again” at ayon kay Janine Gutierrez, naging daan ang naturang primetime series ng GMA7 para mas mahubog pa ang kanyang acting talent. Aniya, marami siyang natutunan mula sa senior stars nakasama niya tulad nina Chanda Romero, Jean Garcia at Sheryl Cruz.
Ani Janine, during break time ay madalas siyang makipagkuwentuhan sa tatlong senior stars. Kinukuwentuhan siya ng mga ito kung paano sila nagsimula, ang mga pinagdaanan nila at achievements nilang nag-inspire sa kanyang pagbutihin lalo ang kanyang trabaho.
Ayon pa kay Janine, binibigyan pa siya ng acting tips ng tatlong senior stars at marami rin siyang natutunan about professionalism.
Ayon naman kay Aljur Abrenica, isang inspirasyon sa kanya ang nabuong relasyon sa kanyang mga katrabaho sa “Once Again.” “Grateful ako sa kanila na ibinahagi nila ang kuwento ng kanilang buhay, mula sa struggles at tagumpay nila.
Marami akong natutunan mula sa kanilang mga karanasan,” wika ni Ajur.
Loaded
Loaded pala ang schedule ni Coco Martin hanggang December this year. Ayon sa isang source na konektado sa isang advertising company, nahihirapan silang makakuha ng schedule para sa commercial shoot ng isang produkto na si Coco ang endorser.
Dati raw kasi, Saturday at Sunday ang naibibigay na araw para sa commercial shoot ni Coco. Then, naging isang araw na lang (Saturday o Sunday). Ang latest, sinabihan sila ng mga namamahala sa career ni Coco na after December pa sila pwedeng mabigyan ng schedule para sa mga nakalatag na product endorsements ng Kapamilya actor.
All praises kay Coco ang kausap namin. Very professional daw ito sa trabaho at never silang binigyan ng problema nito. Sobrang bait daw ng actor kahit super sikat ito.
Tsika pa ng kausap namin, may isang project na involved sa production si Coco. ’Yun daw TF (talent fee) ng aktor ay ibinahagi nito sa isang kawanggawa. No wonder, patuloy ang blessings kay Coco.
Sa tamang panahon
Four months nang suspended si Paolo Ballesteros sa “Eat Bulaga.” Sobrang nami-miss na siya ng kanyang followers at nagtatanong sila kung ibabalik pa ba siya o inalis na siya sa naturang noontime show?
Isang insider ang nakausap naming at aniya, sa tamang panahon ay babalik si Paolo sa “Eat Bulaga.” Binigyan lang daw nila ng leksiyon si Paolo at gusto nilang mawala ang pag-a-attitude nito.
Six months ang iginawad na suspension kay Paolo ng Tape, Inc. management dahil sa pag-iinarte at pagmamaldita niya sa isang out-of-town event.
Ang dabarkads niyang sina Jose Manalo at Wally Bayola ay nakatikim din ng suspension noon dahil nagkaroon sila ng kanya-kanyang isyu a few years ago. “Binigyan lang sila ng leksiyon at gano’n din ang ginawa ng management kay Paolo,” wika ng kausap namin.
Puring-puri nito sina Jose at Wally. Pareho raw mabait ang mga ito at never lumaki ang mga ulo kahit sikat na. Sobra rin daw ang dedication sa trabaho nina Jose at Wally at very professional. Walang reklamo kahit ano’ng ipagawa sa kanila. Real troupers.
Gay pala
Nasa isang QC restaurant kami para sa birthday dinner ng isang kapatid sa panulat nang unexpectedly ay dumating si Jennylyn Mercado. May kasama siyang isang matangkad at may itsurang guy. Bumeso-beso sa aming grupo si Jen at saglit na nakipagtsikahan habang nakatingin lang ’yung guy. Nainip yata at iniwan nito si Jen at dumiretso na sa isang sulok ng resto.
Nang umalis si Jen, nagtanungan kami ng colleagues namin kung sino ang kasama niyang guy? May nag-isip na hindi raw kaya “papa” (o secret boyfriend) ni Jen? Wala naman kasi silang inaamin ni Dennis Trillo na nagkabalikan sila.
After more than an hour, muling dumaan sa kinalulugaran naming table si Jen at ’yung kasama niyang guy. Nagpaalam si Jen sa grupo namin. Hindi nakatiis ang isang kasama naming reporter at tinanong si Jen kung sino ang kasama niya. “Hair person (hairstylist) ko,” sabi ni Jen. Nang lumakad ito palabas ng resto, sabi ng kasama namin, “Ay, gay pala siya, hindi guy. Kita n’yo ang kembot lumakad?”
Nagkatawanan kami dahil beki pala ang kasama ni Jen. Sabi ng isang kasama namin, karamihan ng beking stylists ngayon ay pormang lalaking-lalaki at hindi pag-iisipang bading. Gano’n? Kaya pala, muntik na kaming mapeke ng kasamang guy ni Jen. Gay pala siya. ’Kaloka!