Ipinangako ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kahapon na tatapusin sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ang relocation site sa Baseco Compound, Tondo, para sa daang-daang pamilya ng informal settlers doon.
“Here in Manila, no one is and will be left behind; no single family has been removed from their residence without relocation.
In fact, we give them their own house and lots,” pahayag ni Estada. Sinabi niya na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay nakikiisa sa “no relocation, no demolition” policy ni President Duterte.
Ayon kay Estrada, ang R44.5-million state-of-the art housing project sa Baseco Compound o tinatawag na “Dubai Housing,” ay isang 3.5-hectare housing development project na nakalaan para sa pinakamahihirap na residente sa Baseco.
Sa kasalukuyan, mahigit sa 500 informal settler families (ISFs) na ang nailipat sa city-managed properties sa Bulacan, Rizal, Cavite, and Laguna.
Ang proyektong pabahay, na naglalayong bigyang ng permanenteng tahanan ang mga ISFs sa Sitio Dubai, ay magkatuwang na pinamamahalaan ng city government at local organizations, at iba pang ahensiya ng gobyerno. (Betheena Kae Unite)