ILOILO CITY – Positibo man na maituturing ang pagtaas ng bilang ng mga sumusukong drug dependents, problema naman ang paglalagyan ng mga nasabing surrenderees.
Base sa datos ng Police Regional Office (PRO-6), umabot na sa 12,532 drug users at pushers ang sumuko sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo provinces.
Sa ngayon ay 50-bed capacity lamang ang Treatment and Rehabilitation Center (TRC) sa Pototan town, Iloilo province kung saan 80 drug dependents naman ang naka-confine dito, karamihan ay galing sa Western Visayas at Negros Occidental.
Ayon naman kay Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial ng Department of Health (DoH), dapat ay magpatayo ng drug counselling sa barangay level habang hinihintay ang pagpapalawig ng TRC-Iloilo na inaasahang lalaki sa 100-bed capacity. (Tara Yap)