NAGHANGAD ng kagitna, isang salop ang nawala. Ganyan ang nangyari sa isang TV personality (TVP). Nawala ito sa isang show dahil nag-feeling-feelingan na sikat na. Matagal nawala sa sirkulasyon ang TVP at halos wala na nga ito sa kamalayan ng publiko.
Nabigyan ito ng pagkakataong makabalik sa showbiz nang isama ito sa isang show. Binigyan ng magandang exposure. Kaya lang, nagka-attitude problem.
Tsika ng source, humingi ang TVP ng increase sa kanyang talent fee (TF). Ipinarating naman ito sa kinauukulan. Hopia (hoping) ang TVP na magkakaroon ng adjustment sa kanyang TF.
Sadly, hindi ito pinagbigyan at sa halip, sinabihang huwag na itong mag-report sa show. Nganga ang TVP. Nawalan ng trabaho, waley (wala) nang career.