Ipatutupad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang community-based rehabilitation program matapos aminin ni Mayor Joseph Estrada na walang kakayahan sa ngayon ang lungsod para kalingain ang libo-libong drug suspects na nagsisuko sa pasimula ng buwang kasalukuyan.
Sinabi ni Estrada na kulang ang lungsod sa mga pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga drug suspects na sumuko sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP). Para matugunan ang patuloy pang paglobo ng bilang ng mga sumusukong drug uses, ilulunsad ang comunity-based rehabilitation program sa 896 barangay ng Maynila, ayon kay Estrada.
Sa ilalim ng programa, ang mga opisyal ng barangay ang magmo-monitor ng kalagayan ng mga pasyente na gagamutin depende sa kanilang pangangailangan. “This program brings rehabilitation direct to the community or barangay,” pahayag ni Estrada. (Betheena Kae Unite)