Sobrang flattered si Angeline Quinto nang ikumpara siya ni direk Joel Lamangan kay Sharon Cuneta. Magaling daw kasi siyang kumanta at umarte tulad ng megastar. First time nakatrabaho ni direk Joel si Angeline sa “That Thing Called Tanga Na,” na aniya, nasorpresa siya sa ipinakitang acting ni Angeline. Very natural daw at very promising comedienne.
May second movie na silang gagawin, “Never Been Kissed, Never Been Touched” under Regal Entertainment na nag-prodyus ng “That Thing Called Tanga Na” kung saan kasama ni Angeline sina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano at Martin Escudero.
Mga beki ang karakter ng apat na mga kaibigan ni Angeline sa istorya ng pelikula. Aniya, naka-relate siya dahil in real life ay marami siyang kaibigang beki. Babaeng bakla (o beki) nga ang tawag ni Angeline sa kanyang sarili.
Komportable raw siyang kasama ang mga beki niyang kaibigan.
Never pinagdudahan
Sa presscon pa rin ng “That Thing Called Tanga Na,” naitanong kay Angeline Quinto ang estado ng relasyon nila ni Erik Santos. Aniya, friends lang sila at never naging “sila.” ‘Yun din ang sinabi ni Erik sa isang interbyu. Marami naman talaga ang hindi naniniwala na may “something” sila kahit sweet-sweetan pa sila kuno kapag iniinterbyu sila.
Aware ba siya sa gender issue kay Erik at kung pinagdudahan ba niya ito? Aniya, never niyang pinag-isipan si Erik kahit marami siyang naririnig about him. Wala siyang naramdaman o nakitang kahit ano kay Erik, ayon kay Angeline.
Aniya pa, bihira na silang magkita ngayon ni Erik dahil pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho.
Take note, isang Quinto rin ang unang na-link (o naging girlfriend daw?) ni Erik, si Rufa Mae Quinto. Two months pregnant ngayon si Rufa, courtesy ng kanyang Chinese-American-Filipino fiance’ na si Trevor Magallanes. Ikakasal sila sa November this year.
Hopia, pa-fall
Hindi kaya pa-fall (paasahin) lang ni Benjamin Alves si Julie Anne San Jose? Nali-link sila ngayon sa isa’tisa. Sa interbyu kay Julie Anne, may pahayag she’s ready to fall in love ngayong 22 years old na siya. kilig-kiligan siya sa mga pahayag niya tungkol kay Benjamin.
May online flirting pa sila. Palitan sila ng messages tungkol sa Pokemon Go. Abang-abang na lang kung saan hahantong ang “flirting” nina Julie Anne at Benjamin.
Unang na-link si Benjamin kay Max Collins, sumunod kay Kylie Padilla, then kay Glaiza de Castro. This time with Julie Anne, seryoso na kaya si Benjamin?
Thankful
Thankful si Ryan Neil Sese na bahagi siya ng “Encantadia.” Aniya, importante ang kanyang role bilang Asval. Sa kanya nakasalalay kung magiging magulo o mapayapa ang mundo ng Encantadia.
Sakim siya sa kapangyarihan at nasa kanya kung paano niya mababago ang Encantadia.
Thankful din si Solenn Heussaff na bahagi siya ng naturang fantaserye kahit special participation lang siya. She plays Cassiopea na aniya, excited siya noong una dahil akala niya’y wala siyang dialogue at mga mata lang niya ang gagamitin niya sa pag-arte.
Pero noong nabasa niya ang script, ibang lengguwahe pala ang kailangan niyang bigkasin, Nchanna ang salitang ginagamit sa mundong Encantadia.
Exciting challenges
Kasama ang Brapanese (Brazilian-Japanese) hunk na si Fabio Ide, dadayuhin nina Marian Rivera at BFF niyang si Boobay ang rave adventure park sa Pasig City para sa “Yan ang Morning.”
Magluluto naman si Marian ng exotic dish mula sa crocodile meat today at 9:30 am sa GMA7.