Malaking tagumpay para sa bandang Itchyworms nang itang-hal na grand winner ang kantang “Di Na Muli”, na kanilang in-interpret sa finals night ng Philippine Popular Music Festival o PhilPop 2016 na ginanap noong July 23 sa KIA Theater.
Nagkataon pang ang isa sa composers ng naturang winning song ay ang kabanda nilang si Jazz Nicolas kasama ang kaibigan nitong si Wally Acolola.
Nanalo naman bilang first runner-up ang komposisyon ni Soc Villanueva, ang “Lahat”, na in-interpret ni Jason Dy.
Habang ang second runner-up title ay nakuha ng “Tinatangi” nina Miguel at Paolo Guico, at interpreted by Cookie Chua and Bayang Barrios featuring The Benjamins.
Bilang kampeon sa PhilPop ngayong taon, nag-uwi sina Jazz at Wally ng isang milyong piso. Ang first runner-up ay may premyo ring P500,000, habang P250,000 naman sa second runner-up. Lahat ng top three winners ay tumanggap din ng Orlina glass trophy.
Nagkaroon din ng special awards na may kasamang R100,000 at trophy bawat isa. Nagwagi ng Maynilad People’s Choice Award ang “Lahat” ni Soc, habang pinarangalan naman ng PLDT-Smart Best Music Video ang “Tinatangi” ng Guico twins.
Kabilang din sa 12 finalists ng PhilPop 2016 ang “Sintunado” composed by Jeroel Maranan (interpreted by Nyoy Volante); “Dumadagundong” by Mike Villegas and Brian Cua (Yassi Pressman as interpreter); “Nobody But You” by Keiko Necesario (Monica Cuenco); “Pabili Po” by Aikee Aplacador (Banda ni Kleggy featuring Aikee); “Stars Are Aligned” by JC Jose (Acapellago and Jimmy Marquez); “Baliw Sa Ex-boyfriend Ko” by Joan Da (Sugar and Spice featuring Joan Da); “Friday Night” by Karl Gaurano and Daryl Reyes (Kenjhons), “Binibini sa MRT” by Johann Garcia (The Juans); at “Kahon” composed and interpreted by Ramiru Mataro.
Tumayo bilang mga hurado sa finals night sina Noel Cabangon, Rico Blanco, Gloc-9, Joanna Ampil, at Maynilad Chief Operating Officer Randolph Estrellado. Nagsilbi namang hosts sina Bela Padilla at Boys Night Out DJs na sina Sam YG, Tony Tony, at Slick Rick.
Bukod sa mga hurado, kabi-lang din sa nag-abot ng awards sa winners ang head ngPhilPop Foundation na si Maestro Ryan Cayabyab.