BUTUAN CITY – Naaresto ang anim sa most wanted person sa Agusan del Sur at apat naman sa ilang lugar sa Caraga Region noong Lunes at Martes, ayon sa pulisya.
Pinangalanan ni Chief Supt. Rolando B. Felix, regional director of Northeast Mindanao Police Regional Office (PRO 13), ang mga nahuli na sina Reymar Gabisan, 26 anyos, No. 6 most wanted sa Veruela Municipal Police Station (MPS) sa Agusan del Sur; Malbar Geotina, 26 anyos, naaresto ng Surigao City Police station; at Zandie Pacunlad, 30 anyos, nahuli ng Esperanza MOS.
Ang mga ito ay humaharap sa mga kaso bilang paglabag sa RZ no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA No. 7610 o Anti-Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nahuli rin ng Butuan City Police Station 2 noong Martes si Elmer Iyog, 41, para sa physical injury case, at Vicente Sanico, 50, na naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group at Police Regional Office (PRO) 13 sa parehong araw.
Dagdag pa ni Felix, napagtagumpayan ang paghuli sa mga wanted person dahil sa kampanya sa ilalim ng “Manhunt Charlie” at pagtutulungan ng pulisya at mga tao sa komunidad. (Mike Crismundo)