Isang siyam na taon na gulang na batang babae ang nasaktan matapos masunog ang kanilang shanty Miyerkules sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City fire marshall Supt. Jesus Fernandez, tinamaan ng sunog ang dalawang palapag na bahay sa lugar ng mga informal settlers sa kahabaan ng Seminary Road sa Barangay Bahay Toro ganap na 1:05 ng madaling-araw.
Kinilala naman ang may-ari ng bahay na si Julit Asuncion habang ang anak nito na si Patricia, 9-anyos, ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital dahil sa second-degree burn.
“Hindi na rin naman nagtagal yung sunog, naapula na din agad,” ani Fernandez. Tinatayang aabot sa R30,000 ang halaga ng natupok ng apoy na umabot ng third alarm.
Sinasabing nakasinding kandila ang pinagmulan ng apoy. “Wala silang kuryente, naputulan o ano man, kaya kandila daw ang ginamit nila,” dagdag ni Fernandez. (Vanne Elaine P. Terrazola)