DINALUPIHAN, Bataan – Nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang hinihinalang lider ng crime gang na nakuhaan ng dalawang baril, mga bala at shabu sa Dinalupihan, Bataan, ngayong umaga.
Base sa report ni CIDG Provincial Chief Inspector Reynold Macabitas, ang naarestong si Gerald Espiritu ay nahuli nang halughugin ng CIDG ang kanyang bahay at nakumpiska ang caliber 45 at 48, mga bala, at shabu.
Naaresto si Espiritu base sa search warrant na inilabas ni Judge Ana Marie Viterbo sa ilalim ng “Oplan Paglalansag Omega, Salikop and Big bertha” ni Major Macabitas.
Ayon kay Major Macabitas, “Evidence recovered are the following: 1 unit Caliber 45, 1 unit .38 revolver, four pieces magazine assembly for Cal.45, 28 bullets for Caliber 45, four live bullets for Caliber 38, one live ammunition for 9mm, 2 pieces plastic sachet containing suspected shabu and two pieces improvised water pipe.”
“Arrested person is the leader of Bangal criminal gang involved in illegal drug trade in Bataan. (Unlisted CG),” dagdag ni Maabitas. (Mar Supnad)