Maraming fans ng The Morning Rush ng Monster Radio RX 93.1 ang nagulat dahil sa pamamaalam ni DJ Delamar Arias bilang host ng naturang radio program after 20 years.
Ang final sign-off ni DJ Delamar ay sa July 29 na.
Hindi ngamakapaniwalaangmga avid listeners ng The Morning Rush sa announcement naitoni DJ Delamar, maging ang mga kasamahan niya sa radio show na sina Dj Chico Garcia at DJ Gino Quillamor ay hindi makapaniwala na iiwan na sila nito.
Hindi man nagbigay ng specific reason si DJ Delamar nang kanyang pagpaalam sa The Morning Rush, matagal daw niyang pinagdesisyunan ang pamamaalam dito.
Ayon sa tweet ni DJ Delamar: “I’ve had 19 months notice actually. I really did try to make it work…”
Ilang taon nang tumututok sa The Morning Rush ang maraming fans dahil sa magandang rapport ng tatlong hosts.
Bukod doon ay nakalakhan na ng marami ang tandem nila Chico and Delamaer na nagsimula sa Monster Radio noong July 1996.
Naging big hit nga ang The Morning Rush ng Monster Radio at ang tawag nila sa mga listeners nila ay “Rushers”.
Gustung-gusto ng mga rushers ay ang on-air chemistry nila Chico and Delamar dahil napag-uusapan nila ang lahat ng bagay mula sa traffic hanggang sa mga personal na mga problema ng kanilang listeners.
Nagkaroon pa nga ng tatlong libro dahil sa segment ng radio program na “The Morning Rush Top 10”.
Isa sa may pinakamagandang mukha sa mundong radio entertainment si Delamar Arias. May dalawang anak na ito pero nagkaroon siya ng maraming endorsements at paminsan-minsan ay nagge-guest siya sa ilang TV shows.
Sa dalawa pang tweets ni DJ Delamar, nabanggit nito na nahirapan siyang pagdesisyunan ang kanyang pag-iwan sa kanyang longtime working partner for 20 years na si DJ Chico Garcia.
“I also never thought I’d leave the show without @chicogarcia I promised myself that if he resigns I will also resign,” tweet pa niya.
Nasundan pa ito ng: “It really is one of the hardest decisions I’ve made in my life.”
Balitang magma-migrate daw sa ibang bansa si DJ Delamar kasama ang buong pamilya nito. May iba namang nagsabi na lilipat lang daw ito ng ibang radio station. (RUEL J. MENDOZA)