Patay ang isang barangay chairman pagkatapos pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo sa Pasay City noong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Alberto Arguilles, 48, residente ng Tankian St. at chairman ng Barangay 4, Zone 2. Ayon sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima malapit sa kanyang bahay ng biglang dumating ang mga suspek na nakasuot ng mga helmet at pinagbabaril si Arguilles.
Tumakas ang mga suspek patungong Roxas Boulevard. Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo ang biktima na dinala sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay kung saan siya idineklarang patay.
Ayon sa isang kasama ng biktima, nasa unang termino pa lamang si Arguilles at kilala sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga. Tinitingnan ding dahilan ng pagpatay ang pulitika dahil nakatanggap ng death threats ang biktima noong nakaraang halalan. (Jean Fernando)