LINGAYEN, PANGASINAN – Tiniyak ng provincial government ang kanilang kahandaan sa Disaster management-useful technology GeoCloud Integrated Geographic Information System (GIS) na magkakaroon ng pilot run sa November 9.
Sa isang pagpupulong ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Operations Center, sinabi ni project team leader Noriaki Ishibashi na ang Japan International Cooperation Agency (JICA)-funded project ay on target pagdating sa mga petsa ng kanilang 10-month formal run.
Kumpiyansa si Ishibashi na magiging matagumpay ang kanilang proyekto lalo na kung magpapartisipa ang local government units.
Ayon pa kay Ishibashi, ang probinsiya ng Pangasinan ang most ideal na lugar na patakbuhin ang kanilang technology dahil na din sa kabila ng pagiging disaster prone area, kilala ang mga tao dito na may kooperasyon at skilled personnel bukod pa sa pagiging handa ng provincial government.
Sa pamamagitan ng Japanese Geocloud system, kayang ma-access ng LGUs at maipamahagi ang crucial data na magreresulta sa comprehensive disaster risk reduction and management sa lahat ng antas katulad ng preparedness, response and rehabilitation. (Liezle Basa Iñigo)