Pinabulaanan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mga akusasyon na binabali ng pamahalaang lungsod ang kautusan ng Supreme Court na pansamantalang nagpapahinto sa pagpapatupad ng curfew hours para sa mga menor de edad sa lungsod.
Ibinigay ni Bautista ang pahayag matapos na akusahan siya ng isang group ng kabataan na sinasalungat niya ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng mataas na hukuman na nagbabawal sa mga police officers at mga tauhan ng barangay na arestuhin ang mga kabataang gumagala sa daan sa pagitan ng 10 p.m. at 5 a.m.
Ngunit pinandigan ni Bautista ang kanyang pananaw na ang mga barangay na may mga curfew ordinances ay pwedeng magpatuloy sa paghuli sa mga violators sa kabila ng TRO na inilabas ng Supreme Court.
“As I’ve said, we in the Quezon City government welcome the filing of the petition and the subsequent issuance of the TRO as an opportunity to validate if the LGUs are on the right track.
That’s the essence of the checks and balances provided by our Constitution,” sabi ni Bautista. (Chito Chavez)