DAVAO CITY – Kinompronta na ng gobyerno ang National Democratic Front panel member ba si Fidel Agcaoili patungkol sa naganap na ambush kung saan isang CAFGU member ang napatay sa Davao del Norte.
Ayon kay GPH panel chair Silvestre Bello III, kanila nang inabisuhan ang NDF ukol sa naganap na ambush sa kabila ng pagdeklara ng pangulong Duterte ng isang ceasefire sa kaniyang State-of-the-Nation Address (SONA) noong Lunes.
“It is disheartening that the NPA failed to respect the unilateral ceasefire declared by President Duterte last Monday during the SONA.
Barely two days after this ceasefire declaration,” ani Bello. Wala pang grupo ang umako ng ambush ngunit tiniyak na umano ni Agcaoili na magsasagawa din sila ng imbestigasyon sa kaso.
“I strongly reiterate the call of President Duterte to the CPP/NPA/NDF to reciprocate government’s ceasefire declaration in order to immediately stop violence on the ground, protect our communities from conflict and provide an enabling environment for the resumption of formal peace negotiations,” ani Agcaoili. (Yas D. Ocampo)