Ipinagbawal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagbiyahe ng mga UV Express sa EDSA upang maibsan ang trapik sa naturang kalsada.
Ayon sa Memorandum No. 2016-009 na inilabas ng LTFRB at epektibo Hulyo 30, maaari lamang gamitin ng mga UV Express ang EDSA kapag sila ay tatawid dito.
“UV Express shall no longer be required to traverse a specified/particularized route. Henceforth, they may traverse the shortest and/or most convenient route in reaching their end points/destinations, provided however, that UV Express Services are not allowed to traverse EDSA, except when crossing the same,” ayon sa LTFRB.
Ipinagbawal din ng LTFRB ang pagbenta ng public transport operators ng kanilang Certificates of Public Convenience.
Sinabi ng LTFRB sa Memorandum No. 2016-010 na hindi na sila tatanggap ng applications para makapagbenta at makapaglipat ng mga CPC simula August 13.
Bunsod ito ng mga transport operators na kumukuha ng prangkisa upang ibenta sa mas mataas na halaga. (Vanne Elaine P. Terrazola)