DAVAO CITY – Handa pa din ang Communist Party of the Philippines na magpatupad ng ceasefire sa kabila ng pagbawi nito ni Pangulong Duterte matapos ang isang ambush incident sa pagitan ng militiamen at rebeldeng New People’s Army.
Ayon sa grupo, kanilang ipapatupad ang ceasefire pagdating ng August 20. “At this point, the CPP reiterates its full support for the resumption of NDFP-GRP peace negotiations as a means of discussing the roots of the armed conflict,” ani mensahe ng CPP.
“It expects the Duterte government to make good its promise to release all peace consultants of NDFP as well as all political prisoners arrested and detained under the Arroyo and Aquino regimes.”
Tiniyak naman ng CPP na ang time frame ng ceasefire at iba pang usapin ay maitatakda sa pamamagitan ng negosasyon. (Yas D. Ocampo)