Bababa ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas ng Petron simula ngayong araw na ito.
Inabiso ng Petron kahapon na magbababa sila ng presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas ng P0.70 kada kilo. Ibababa din ng kumpanya ang presyo ng kanilang AutoLPG ng P0.40 kada litro.
Sinabi ng Petron na ang pagbaba ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado ang dahilan ng pagbabawas.
Nakaamba din ang pagbaba ng presyo ng diesel at gasolina ngayong linggong ito.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, babawasan ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng diesel ng P0.85 hanggang P0.95 kada litro at gasoline ng P0.70 hanggang P0.80 kada litro. Mababawasan din ang presyo ng kerosene ng mula P0.90 hanggang P1 kada litro.
Bunsod ng pagbaba ang mababang presyo sa pandaigdigang merkado.
Inaasagang ipapatupad ang bawas presyo bukas. (PNA and Armin Amio)