Isinulong kahapon ni Sen. Panfilo M. Lacson ang pagapruba ng Senado ng Senate Bill No. 258 o “An Act Providing for Protection, Security, and Benefits of Whistleblowers and for Other Purposes” na magbibigay ng malaking pabuya at mas mabuting proteksyon sa mga whistleblowers na tetestigo sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na sangkot sa corruption.
Ayon kay Lacson, layon ng panukalang batas na paigtingin ang kampanya laban sa corruption at maengganyo ang mga taong may maaasahang impormasyon lalo na sa mga patagong transaksyon sa gobyerno na isiwalat ang kanilang nalalaman.
“This proposed legislation seeks to encourage whistleblowers to come out in the open and put an end to the corrupt practices of some government officials or employees,” sinabi ni Lacson. (Hannah L. Torregoza)