Pinag-iisipan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng bagong boundary markers para maiwasan ang illegal na pagpaprada ng mga sasakyan sa mga pangunahing daanan sa kamaynilaan.
Sinabi ni Neomie Recio, MMDA Traffic Engineering Center head, na ang boundary marker ay magsisilbing warning sign sa mga motorista para hindi nila iparada ang kanilang mga sasakyan sa labas ng border line.
“The marker will define where parking allowed and when it becomes illegal. If they have breached the line, vehicles will be towed,” sabi ni Recio.
Ayon sa kanya ang “Pink Line” project na ipinatupad noong termino ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando at ang “Yellow Line” project ng Department of Public Works and Highways ay pareho naging epektibo sa pagsasakatuparan ng batas laban sa illegal parking. (Anna Liza Villas-Alavaren)