CAPAS, Tarlac – Mahigit 120 estudyante ng Manabayukan Elementary School ang tumanggap ng solar lamps buhat sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ayon kay BCDA President and Chief Executive Officer Arnel Paciano Casanova, ang mga nasabing solar lamps ay makakatulong pagdating sa pag-aaral ng mga estudyante.
“Solar lamps will not only allow students to read and study better at night but will also reduce exposure to harmful fumes from kerosene lamps,” ani Casanova.
Ang donasyon ay parte ng LightEd PH program ng Department of Education (DepEd) na nagnanais na magbigay ng nararapat na learning environment sa bawat estudyante.
Target ng programa ang mga lugar na walang elektrisidad sa kanilang mga lugar. (Mar T. Supnad)