JAPAN trip sa September ang treat ng APT Entertainment, headed by Mr. Tony Tuviera sa mainstays ng “Sunday Pinasaya.” Naka-one year na ang airing ng naturang Sunday show sa GMA7 na prodyus ng APT Entertainment.
Marami ang humusga noon na hindi ’yun tatagal sa ere. Pero binago ng SP ang Sunday habit ng televiewers. Nagustuhan ang concept ng show na hindi basta sayawan at kantahan lang, kundi may iba’t ibang nakakaaliw na segments na pumatok sa televiewers.
Excited na ang tropang SP sa kanilang Japan trip. Ganyan naman si Mr. Tuviera, maalaga at marunong magpahalaga sa mga artista ng mga pinoprodyus niyang shows. Bongga rin ang treat niya sa mainstays ng “Eat Bulaga” kapag anniversary nito. Nag-a-out-of the country din sila.
Isyu sa ilang AlDub fans kung magdyo-join sa Japan trip sina Alden Richards at Julie Anne San Jose na parehong mainstays ng “Sunday Pinasaya.” Ayaw nilang magkasama ang dalawa. Hindi pa naman sure kung makakasama si Alden dahil may scheduled show rin siya abroad this September.
May Benjamin Alves na si Julie Anne, samantalang consistent naman si Alden sa pagsasabing mananatiling special sa buhay niya si Maine Mendoza. Ano naman kung magkasama sina Alden at Julie Anne sa Japan? Huwag na kasing pagselosan si Julie Anne. Cool lang, AlDub fans. Chill lang para everybody happy. (Rowena Agilada)