After magbida sa remake ng “Marimar” last year, ready na ulit si Miss World 2013 Megan Young na gumawa ng panibagong teleserye.
Sa bagong primetime teleserye ni Megan, makakasama niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Ito ang unang teleserye na makakasama niya si Dingdong. Nagkasama na sila last year bilang mga hosts sa reality artista-search ng GMA-7 na “StarStruck” season 6.
Sa naganap na story conference sa GMA Network Center, nasabi ni Megan na masaya siyang pinagkatiwalaan siya sa bagong teleserye ng Kapuso network.
“Unang-una, noong sinabi sa amin na may teleserye kaming gagawin with Dingdong, I was very thankful kasi, siyempre, they entrusted me with another project, and alongside such big names in the industry.
“Aside from Dingdong, we have other great character actors that we’ll be working with.
“I was very thankful that they kept me in mind for such a great project,” ngiti pa niya.
Bukod kay Dong, kasama rin sa teleserye ang 2016 Cannes best actress Jaclyn Jose na nakasama ni Megan sa “Marimar”.
Kasama rin sa cast sina Andrea Torres at Sid Lucero.
Right timing daw ang pagbigay sa kanyang ng teleserye dahil matagal siyang nakapagpahinga.
“It’s great to be back on television after “Marimar”.
“Medyo matagal-tagal din akong nag-break, which is good kasi I got to focus on doing movies and my business.
“Happy ako na there was time allotted for me to do other things.
“Excited na akong mag-taping ng three times a week ulit!” tawa pa niya.
May natapos ngang pelikula si Megan sa ilalim ng Regal Entertainment titled “Super Yaya” kunsaan bida si Ai-Ai delas Alas.
Kasalukuyan namang napapanood si Megan sa comedy series na “Conan, My Beautician” with Mark Herras.
Sa bagong teleserye role ni Megan, nakaka-relate raw siya sa karakter dahil mayroon rin itong mga adbokasiyang ginagawa para sa mga nangangailangan.
“Nakakatuwa kasi parang Miss World siya sa teleserye, so may advocacies rin ’yung character ko rito.
“She’s working towards helping other people more than herself.
“Nakakatuwa kasi marami akong mapaghuhugutang experiences.” (Ruel J. Mendoza)