NILINAW ng handler nina John Lloyd Cruz at Maja Salvador na hindi romantic date ang naganap sa dalawang Kapamilya stars noong nanood sila ng “How To Be Yours.” Marami silang magkakasama at hindi silang dalawa lang.
Kaibigan at isa sa mga favorite leading lady ni JLC si Bea Alonzo, ex-boyfriend naman ni Maja si Gerald Anderson, kaya bilang suporta sa dalawa’y pinanood nina JLC at Maja ang movie ng mga ito. ’Yun lang ’yun!
May mga kinilig naman sa post ni Maja sa kanyang Instagram account ng picture nila ni JLC. Bagay raw ang dalawa at wish nilang pagsamahin sila sa isang bagong TV series ng ABS-CBN.
May mga nag-comment na hindi raw kaya ipinost ni Maja ang picture nila ni JLC ay para magkaroon ng isyu sa kanila? Anila, kanya-kanyang diskarte lang naman sa showbiz para mapag-usapan. Or else!
Sa pamamagitan ng kanyang social media account ay nag-thank you naman si Bea kina John Lloyd at Maja sa suporta ng mga ito sa movie nila ni Gerald. May mga nag-appreciate sa ginawa ni Maja na anila’y patunay na wala siyang hatred at bitterness sa break-up nila ni Gerald, kahit ito pa ang nag-initiate. Si Gerald kaya, nag-thank you rin kina John Lloyd at Maja?
Happy wife, happy life
Sobrang appreciated ni Dingdong Dantes ang boodle fight lunch na pinag-effortan ng wife niyang si Marian Rivera sa nakaraang 36th birthday niya (Aug. 2). Present ang kanilang respective families.
Kinagabihan ay nag-dinner naman ang mag-asawa kasama ang kanilang cute bundle of joy na si baby Zia sa Shangri-La, Makati. Isang Lladro figurine ng isang amang may hawak na bata ang birthday gift ni Marian kay Dingdong.
Sa Aug. 12 naman ang 32nd birthday ni Marian at sa isang out-of-town beach naman sila magse-celebrate, kasama ang kanilang respective families. Ani Marian, wala na siyang mahihiling pa. Sobrang happy at kuntento siya sa kanyang married life dahil sobrang supportive at responsableng padre de pamilya si Dingdong. Suportado rin sila ng kanilang respective families.
Tribute
Sa Aug. 10 na ang showing sa mga sinehan nationwide ng “That Thing Called Tanga Na,” na prodyus ng Regal Entertainment. Rated G ito ng MTRCB, kaya pwedeng manood lahat (bata’t matanda).
Tribute ito ng mag-inang Regal producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa LGBT community. Anila, malapit sila sa mga bading at tomboy at marami silang mga kaibigang belong sa LGBT community.
Tampok sa TTCTN sina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero at Angeline Quinto. Directed by Joel Lamangan, isyu tungkol sa kabadingan at katangahan nila sa pag-ibig ang hated na kuwento ng pelikula. Marami ang makaka-relate sa karakter ng bawat isa na ginagampanan ng mga nabanggit na aktor.