BAGO ang hairstyle ni Daniel Padilla in preparation sa bagong movie na gagawin niya. Nagmukha siyang mature na ibinagay lang niya sa gagampanan niyang role. Magtu-21 years old na siya this year, kaya ready na siya for mature roles.
Ang ka-love team niyang si Kathryn Bernardo ay 20 years old na at handa na rin sa mature roles. Alam nilang pareho ni Daniel na hindi pwedeng forever pang-teen o pampakilig ang gagampanan nilang roles. Kailangan nilang mag-grow.
Tanggap din nilang hindi forever ang kanilang love team at alam nilang sa ayaw at sa gusto nila’y ipapareha rin sila sa iba. But for now, going strong pa rin ang KathNiel love team. Isa pa rin sila sa hottest love teams at in demand bilang product endorsers na ang latest ay San Marino Corned Tuna.
Sa kanilang TVC, ipinakita kung paano nag-umpisa ang love team nina Daniel at Kathryn. Kung paano sila nagkakilala at naging malapit sa isa’t isa. Para bang ipinahihiwatig na may “something” na namamagitan between them.
Sa isang exclusive interview ay inamin nga ni Daniel na exclusively dating sila ni Kathryn. So, there!
Never nakalimot
Sobrang lungkot ngayon at nagdadalamhati si Robin Padilla sa pagkamatay ni direk Deo Fajardo, Jr. noong Aug. 6. Ito ang kanyang discoverer-mentor at dating manager. Maraming pelikula ni Robin ang naidirek ni Deo at ang mga ito ang masasabing nagpasikat sa kanya at nagdala sa kung saan man ang narating ni Robin sa showbiz industry.
All these years, kahit hindi na aktibo si direk Deo at iba na ang manager ni Robin, nananatiling bukas ang komunikasyon ng dalawa. Kahit kailan ay hindi nakalimot si Robin sa taong naging malaking bahagi ng kanyang showbiz career. ’Andun ang malaking respeto at pagpapahalaga ni Robin kay direk Deo na Dikong ang tawag niya.
Ayon sa isang source, regular na nag-aabot ang actor ng financial assistance kay direk Deo at iba pang pangangailangan nito.
Isa pang naging alaga noon ni direk Deo ay ang namayapang action star na si Rudy Fernandez. Si direk Deo rin ang nagpasikat noon kay Rudy na inilunsad niya sa pelikulang “Baby Ama.”
“Anak ni Baby Ama” at “Ang Utol Kong Hoodlum” ang dalawa sa maraming pelikulang ginawa noon nina direk Deo at Robin.
Nakahimlay ang labi ni direk Deo sa St. Peter Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, QC. Our condolences sa mga naiwan niyang mahal sa buhay.
Hindi nag-audition
Natatawang ikinuwento ni Kylie Padilla kung paano napunta sa kanya ang role bilang Amihan sa “Encantadia.” Aniya, una siyang nag-audition para sa role na Pirena dahil ’yun ang gusto niyang karakter.
Sumunod na nag-audition siya para sa role bilang Alena. Then, Danaya. Hindi siya nag-audition for Amihan. Ani Kylie, habang hinihintay niya ang announcement ng GMA kung kanino mapupunta ang mga nabanggit na karakter, panay ang dasal niyang sana’y siya ang mapiling gaganap bilang Pirena.
Hindi naman siya nadismaya nang sa kanya ipagkatiwala ang role bilang Amihan. Natuwa na rin siya at nagpasalamat dahil isang big honor at blessing ang makasama siya sa isang malaking proyekto ng Kapuso Network.
“Inaral ko ang role ko at na-in love na rin ako sa karakter ko bilang Amihan,” saad ni Kylie.
Sa tinatakbo ng kuwento ng “Encantadia,” si Ybarro (Ruru Madrid) ang ama ng batang isinilang ni Amihan. Ipagtapat kaya niya ’yun sa kapatid niyang si sang’gre Alena (Gabbi Garcia) na nagmamahal kay Ybarro?
Nagsilang na rin ng sanggol ang kapatid nilang si sang’gre Pirena (Glaiza de Castro) at ipinagpalit ang anak nito sa anak ni Amihan. Abangan ang mga kaganapan sa “Encantadia.