VALENZUELA City – Inilunsad kahapon ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela City ang isang proyekto na naglalayong palakasin pa ang kampanya laban sa mga drug offenders at mas mapabuti pa ang rehabilitation ng mga drug addicts.
Itinaas ng Valenzuela City sa mas mataas na level ang giyera laban sa droga sa pamamagitan ng paglulunsad ng four-phased project na tinawag na Valenzuelano Ayaw sa Droga (VAD). Inilunsad ang VAD matapos na ipasa ng lungsod ang isang ordinansa na nagbibigay ng pabuya sa mga alagad ng batas na makakayang patunayan sa korte na ang kanilang mga nadakip na drug personalities ay tunay na may kasalanan.
Sa ilalim ng city ordinace, sa bawat akusadong mahahalutan ng korte, ang team o taong nakaaresto sa drug suspect/s ay makakatanggap ng P100,000 pabuya. Ayon kay Valenzuela Mayor Rexlon “Rex” Gatchalian, may apat na bahagi ang proyekto – “(1) the Preparation Phase, (2) the Clearing Phase, (3) the Development Phase, and (4) the Monitoring and Assessment Phase.” “These combined strategies shall lead to the identification and neutralization of drug personalities from street-level pushers to big time drug lords,” sabi ni Gatchalian. (Jel Santos)