KIDAPAWAN CITY – Mahigit isang daan na drug dependents and sumailalim sa profiling mula sa city social welfare office upang madetermina kung ano ang tulong na maibibigay sa kanila ng gobyerno sa isang special project na kung tawagin ay “Balik Pangarap.”
Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, papangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na makuha ang family background, educational attainment at iba pang basic details ng mga drug pushers ng kanilang lugar.
“We now call them, ‘recovering addicts’,” ani Evangelista. Katuwang naman ng City Government ang Narcotics Anonymous (NA), isang grupo ng mga former drug users na ngayon ay tumutulong sa ibang dependents na makabalik sa mainstream society.
“Help is either through livelihood projects, educational assistance, or send them to a rehabilitation center,” dagdag ni Evangelista.
“The period will take nine months. After three months, each beneficiary will undergo drug test. We will meet them every Monday of the week for nine months.” (Malu Cadelina Manar)