Mahigit 300 pasahero ang stranded sa iba’t ibang bahagi ng daungan sa rehiyon ng Bicol at Eastern Visayas dahil sa low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 273 na mga pasahero, 2 barko, tatlong rolling cargoes at walong motor bancas ang stranded dahil sa maalon na karagatan dala ng Southwest Monsoon.
Inabisuhan naman ang lahat ng PCG units na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng PCG guidelines pagdating sa mga pag-layag ng mga barko ngayong masama ang panahon. (Argyll Cyrus B. Geducos)