DAVAO CITY – Umaasa ang mga negosyante dito na maipapatupad ang planong Mindanao Railway System sa ilalim ni pangulong Duterte.
Ito’y matapos magpasa ng isang panukalang batas si Sen. Juan Edgardo Angara na magtutulak sa pagtaguyod ng naturang railway.
Ayon kay businessman at writer Serafin Ledesma, Jr., malaking tulong ito sa Mindanao lalo na’t naisama sa panukala ang Tagum, Davao at Digos bilang mga railway connections ng proyekto.
“While Senator Agara’s bill only include the Mindanao’s northern rim, it is worthwhile that the railway project will also include the Tagum-Davao-Digos Cities railway connections as President Duterte has earlier espoused on his campaign sorties,” ani Ledesma. (Jonathan Santes)