DAVAO CITY – Tinuligsa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalapastangan umano ng New People’s Army (NPA) sa mga bangkay ng tatlong sundalo matapos mapatay ang mga ito sa isang engkwentro noong isang linggo.
Ayon kay 10th Infantry Division spokesperson Rhyan Batchar, kanilang pararatingin sa peace negotiators ang paglaslas umano sa leeg at pagtaga sa mga ulo nina Cpl. Jimmy Bayta, Pfc. Rolen Roy Sarmiento at Cpl. Gilmar Mapa.
“These are clear violations of the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and the International Humanitarian Law (CARHRIHL),” ani Batchar.
Naganap ang engkwentro sa Km 56, Brgy Rizal, Monkayo, Compostela Valley Province noong August 5. Sa kabila nito ay nananalig pa din si Bathchar na hindi ito makakaapekto ng masama sa planong peace talks na isinusulong ng gobyerno.
“We remain firm on our commitment and support for the attainment of genuine peace and development in our country. We fervently hope that this incident will not hinder the peace talks between the government and the CPP-NPA-NDF,” ani Batchar. (Yas D. Ocampo)