“Magpapapetik-petik’’ lang muna tayo dito sa ten-race program na inihanda ng Metro Turf ngayong Sabado dahil bukas, Linggo, isasalang na ang Winer-Take-All carry over amount of P1,756.500.23 bukod pa sa malalaking racing events like the P1.5 Million PCSO National Grand Derby Race.
Kaya nga wala tayong WTA event today dahil sa ruling na carry-overs must be added to the immediate succeeding such event and I think it is a wise move on the part of the Management of Metro Turf.
Ngayong Sabado mayroon ta-yong two sets ng Pick-6 at Pick-4 at three sets naman ng Pick-5 event, kaya “magpalago’’ muna tayo para maganda-ganda ang puhunan bukas.
Bukas, may three entries lamang ang P1.5 Million PCSO National Grand Derby Race namely, Cool Summer Farm’s Dance Again (A.P. Asuncion) L.M. Javier, Jr.’s Yong Yong (J.B. Hernandez) at F.R. Sevilla, Jr.’s Guatemala (K.B. Abobo)
Sa mga di nakadalo sa pakarera ng Santa Ana Park kahapon (Huwebes), ang Winner-Take- All event ay nagbigay pa nang magandang premyong P2,540.00 , ang Pick-6 (R2-7) ay P822,40, ang Pick-5 (R3-7) ay P188.20 at ang Pick-4 covering the last 4 races ay P86.00
Nagsipanalo rito from races 1 to 7, ayon sa pagkakasunud-sunod, ay ang Wafu The King, Tangs Dynasty, Sharp As Ever, Indomitable, Reward For Effort, Sky Drifter at Street Don or combinations 4-1-2-2-6-5-3.
Ang pinakamalaking dibidendo kahapon ay ang Pentafecta event sa Race 4 na may premyong P10,477.20 kung saan nagtambalan ang Indomitable, Wise Ways, Chase Charlie, Toinfinitynbeyond at Above The Knee or combinations 2-7-5-3-9.
At San Lazaro naman gaganapin ang P500,000. 5th Leg Imported/Local Challenge Race sa darating na August 21.
So there…. Good Luck and see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta. Good Luck!!! (JOHNNY DECENA)