Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph Estrada kahapon ang pagpapatupad ng “one-strike” policy para sa mga hepe ng police stations na kukunsinti sa mga illegal vendors sa kanilang nasasakupang lugar.
Sinabi ni Estrada na ang sinumang Police Community Precinct (PCP) chief na hahayaan ang mga illegal vendors na magtinda sa kanilang lugar ay kaagad aalisin sa pwesto.
“Once we have cleared their area of illegal vendors and all forms of obstructions, it is the responsibility of the precinct commanders to maintain its cleanliness and orderliness.
If we find out that those vendors have returned, the concerned PCP commander is instantly relieved,” pahayag ni Estrada.
Para masiguro ang pagtalima ng mga PCP commander sa one-strike rule, bumuo si Estrada ng isang composite team na regular na magmo-monitor ng trapiko sa Manila at tingnan kung bumabalik ang mga pinalayas na vendors. (Betheena Kae Unite)