PASOK din si Aiza Seguerra sa Duterte administration. Siya ang itinalaga ni President Rodrigo Duterte para pamunuan ang National Youth Commission (NYC).
Sa nakaraang Aquino administration, si Dingdong Dantes ang itinalaga ni former President Noynoy Aquino bilang Commissioner-at-Large ng NYC. Nag-resign ang aktor para mangampanya kay Vice President Leni Robredo.
Good choice si Aiza para maging chairperson ng NYC. Talagang maaasahan siya sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanya para sa mga proyektong pang-kabataan gaya ng ginawa ni Dingdong.
Babies pa more!
Gusto pa ni Marian Rivera ng tatlong anak with her husband Dingdong Dantes. Sinabi niya ito sa farewell episode at birthday celebration niya sa “Yan ang Morning.” Wish din ni Marian na mas maging matatag ang relasyon nilang mag-asawa.
Ani Marian, bilang host ng YAM, ay marami siyang natutunan at mas nagkaroon siya ng self-confidence. ’Yung inakala niyang hindi niya magagawa bilang host ay nagawa niya dahil sa guidance at suporta ng mga tao sa paligid niya.
Lie low muna si Marian sa showbiz at hindi na muna siya tatanggap ng teleserye. Magpo-focus muna siya sa pag-aalaga sa anak nila ni Dingdong na si baby Zia na nine months old na on Aug. 23.
Boy band
Winner ng Spotify competition sa “Eat Bulaga” si Yasser Marta na napanood sa “Once Again” bilang kaibigan ni Aljur Abrenica. Naging mainstay rin si Yasser sa defunct “Walang Tulugan with the Master Showman” for one and a half years. Bahagi ngayon si Yasser ng sing and dance boy band na One Up na binuong GMA Artist Center. Sampu silang miyembro composed of Ralf King (former “Pop Star Kids” grand winner), “To the Top’s” Brent Valdez, “Starstruck 6’s” Kevin Sagra, Jay Arcilla, Dave Bornea, Nikki Co, Prince Clemente, Joemarie Nielsen, and Arjan Jimenez.
Yasser is 20 years old, born and raised in Saudi Arabia kung saan nagtatrabaho ang kanyang Portuguese father. Pinay ang kanyang mother and he has a younger sister. Year 2011 noong nagpunta sila sa Pilipinas.
Second year Marketing student si Yasser sa isang university sa Antipolo City. Pero huminto muna siya sa pag-aaral para subukan ang kapalaran sa showbiz. Yasser claims loveless siya at crush niya si Kylie Padilla.
Look-alike
Look-alike ni Rocco Nacino si Jay Arcilla na miyembro ng One Up boy band. Pumasok siya sa Top 6 ng “Starstruck 6” kung saan sina Migo Adecer at Klea Pineda ang tinanghal na Ultimate Male and Female Survivors.
Jay is 20 years old at nakalabas na siya sa “My Little Nanay,” “Karelasyon,” Magpakailanman” at “Wagas.” He is from San Pablo, Laguna at nakatapos ng two-year course (Cruiseship) sa TESDA. Kasama si Jay sa upcoming GMA primetime series na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Bunso si Jay sa dalawang magkapatid. Gusto niyang makatrabaho sina Kylie Padilla, Julie Anne San Jose at Rocco Nacino. Flattered siyang marami ang nagsasabing magkahawig sila ni Rocco.
Pinakamagulo, pilyo
Ang 21-year-old na si Kevin Sagra ang itinuro ng mga katropa niya sa One Up boy band na siyang pinakamagulo at pilyo. He is from Cotabato City, pero nag-aral siya sa San Pedro College sa Davao City. Half-Spanish, half-Pinoy ang kanyang daddy at purong Pinay ang kanyang mommy.
Middle child si Kevin sa kanilang tatlong magkakapatid. Nasa Davao ang kanyang pamilya at mag-isa siyang namumuhay sa isang condo unit somewhere sa QC.
Nakalabas si Kevin sa “Hanggang Makita Kang Muli” na tinampukan nina Bea Binene at Derrick Monasterio. Kasama ngayon si Kevin sa “Sinungaling Mong Puso” nina Rhian Ramos, Rafael Roselle at Kiko Estrada.
Dream ni Kevin makapag-concert sa Araneta Coliseum. Mahilig din siyang magluto at dream niyang magkaroon ng restaurant business.
In partnership with Boardwalk, may series of shows ang One Up. Abangan sila sa Bulacan, Dagupan, Laguna, Cebu at Davao. Actual date and venue to be announced soon.
Mall show
Nasa Robinson’s Place Dasmariñas, Cavite mamaya ang cast ng “Encantadia” para sa kanilang mall show at 5 p.m. Abangan sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Klea Pineda, Mikee Quintos, Kate Valdez, Buboy Villar at James Teng.