Tacloban City, Leyte – Ninety-two farmers ang nagtapos ng five-month training program sa organic farming, ayon sa ulat ng provincial government.
Ayon kay Leyte Governor Leopoldo Petilla, 49 sa mga ito ay galing sa barangay Cabatianuhan sa San Miguel, Leyte habang 43 na iba pa ay mula barangay Cabuenan sa Tanuan kung saan ang mga ito ay nagtapos ng organic farming ng mga gulay at ilan pang mga fruit crops.
Ayon pa kay Petilla, mayroon pang ilang mga farmers ang sumasailalim sa modern agriculture at organic farming na inaasahan nilang magtatapos ng training buhat sa iba’t ibang bayan.
Ayon pa kay Petilla, ang prioridad na kanilang ibinibigay sa mga magsasaka ay upang makatulong sa mga ito na mai-ahon ang kani-kanilang pamilya at mabigyan ng kalidad na kinabukasan. (Restituto A. Cayubit)