Maglulunsad ng crackdown ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang local government units laban sa mga tricycle at pedicab na bumibiyahe sa 15 pangunahing daanan sa buong kamaynilaan para mapabuti ang sitwasyon ng trapiko sa siyudad.
Sa nakaraang meeting ng Metro Manila Council, nagdeklara ang Metro Manila mayors ng total ban sa mga tricycle, pedicab at push cart, pati na rin sa mga ambulant vendor.
Sinabi ni Emerson Carlos, MMDA chairman, maraming tricycle at pedicab na ang nakikitang bumibiyahe sa pangunahing daanan, tulad ng EDSA, sa kabila ng umiiral na kautusan na nagbabawal sa kanilang dumaan sa mga nasabing lugar.
(Anna Liza Villas-Alavaren)