GUSTO pala ni Cai Cortez magkaroon ng isang dosenang anak sa kanyang asawang si Wissem Rkhaminataga-Tunisia. Pero dalawang anak lang daw ang gusto ni Wissem.
“Ako gusto ko 12. Parang baboy lang, five at a time yung lumalabas,” natatawang sabi ni Cai nang mag-guest silang mag-asawa sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”
“Pero ako kasi I want a big… literal big, happy family. And siya, bilang siya ‘yung matipid sa pera, ang gusto niya two lang. Happy na siya roon. I mean, I would be happy, too, but if I had a choice…”
Ikinasal sina Cai at Wissem noong July 15 sa Manila City Hall as officiated by Mayor Joseph Estrada.
May plano ba silang magpakasal ulit pagkatapos ng kanilang civil wedding?
“Ang plan talaga namin civil wedding muna para at least legal na mag-asawa. And then next year, parang celebration nalang with the whole family ditto sa Philippines and in Tunisia also. Kasi when we get there, I have to meet all his family also, so there will be like a celebration. I don’t know if it’s a wedding, call it a wedding, but yeah, a celebration,” ani Cai.
Hindi pa nakakapunta si Cai sa Tunisia, na isang tourist destination sa mga European, kaya excited siyang makapunta doon at ma-meet ang pamilya at mga kamag-anak ng asawa niya roon.
Ang love story nina Cai at Wissem ay bunga ng successful pairing sa online dating. Kuwento nga ng komedyana, “We met on Tinder. It’s an application, dating app, and then nagsu-swipe ka ng gusto mo at saka ng hindi mo gusto. So, sniwipe ko siya kasi type ko siya, and then lumabas it’s a match, kasi na-swipe din pala niya ako dati. And then we started chatting. Video chat for a long time, until we met personally.”
Noong una nga raw ay umiiwas pang makipagkita nang personal si Cai dahil hindi naman daw siya naghahanap ng boyfriend nung time na iyon. Pero nagbago ang pananaw niya sa una nilang pagkikita.
“Noong nagkita kami in person for the first time, he told me, ‘The first time today, I will meet you in person. I will meet you for another time. And then for the third time… gusto ko nang makilala yung parents mo dahil gusto na kitang hingin sa kanila,’” ayon pa kay Cai na ngayon ay masayang-masaya sa piling ng kanyang asawa. (GLEN P. SIBONGA)