Pinagbawalan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga emplayado nito, kasama na ang traffic enforcers, na maglaro ng kinababaliwan ngayong Pokemon game sa oras ng kanilang trabaho.
Ginawa ng MMDA ang hakbang matapos na makarating sa pamunuan ng ahensiya na ilan sa mga empleyado nito ang nahuhumaling sa paglalaro ng bagong game mobile application. Sa larong ito, kinakailangan ng players na manghuli ng Pokemon sa iba’t ibang lugar.
“Those who will be caught shall be dealt with administrative sanctions,” pahayag ni MMDA Chairman Emerson Carlos.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga motorista na huwag manghuli ng Pokemon habang nagmamaneho dahil masasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 10913 o ang Anti-Distracted Driving Act.
“We have not yet apprehended or received any complaint so far. We are hoping not to receive any,” sabi ni Goddess Hope Libiran, hepe ng MMDA public information office. (Anna Liza Villas-Alavaren)