Imumungkahi ni Manila Mayor Joseph Estrada kay President Duterte ang pagpapatupad sa buong bansa ng school-based anti-drug education program na ipinatutupad ngayon sa Maynila dahilan na rin sa naging epidemya na ang problema sa bawal na gamot.
Ang Drug Abuse and Resistance Education (DARE), ang programang naka-base sa mga paaralan, ay ipinatutupad na sa Maynila noon pang 2013 at itinutulak ito ni Estrada na maisakatuparan sa buong bansa.
“The drug menace has long been a national epidemic. It remains a serious national concern. What we need, aside from strict law enforcement operations, is an effective and sustainable drug use prevention program to save our youth from the influence of drugs,” sabi ni Estrada.
Base sa istatistika ng gobyerno, higit sa dalawang milyon na ang drug dependents sa Pilipinas at ang illegal drug trade sa buong bansa ay umabot na sa US$8.4 bilyon, ayon kay Estrada. (Betheena Kae Unite)