Magtatalaga ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang tao sa mga border crossing stations sa South upang masawat ang pagpuslit ng mga human trafficking victims.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente nagsasagawa na sila ng evaluation sa anim na borders sa Mindanao at Palawan kung saan mataas ang insidente ng human smuggling.
“We are strengthening our border control operations in the South due to reports of the presence of foreign terrorists and that victims of human trafficking were being spirited out of the country via the backdoor with the help of syndicates and illegal recruiters,” ani Morente. Kamakailan ay na-rescue ng BI personnel ang 33 na kababaihan na nakatakda sanang ipuslit palabas ng bansa sa Tawi-Tawi. (Jun Ramirez)