Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa Agosto 21 ang pag-imprenta ng 85 milyong balota na gagamitin sa October 31 Barangay and Sangguniang Kabataan elections.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na kinakailangan nilang simulan agad ang pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office sa Quezon City dahil sa malaking bilang ng mga botante.
“Based on our timetable we need 60 days within which to print the ballot,” pahayag ni Bautista sa isang press briefing sa Maynila.
“We want to give some leeway. Remember the number of ballots we are printing this elections is much high. In 2013, I think it was only about 50 million. Now, its 85 million because of the SK,” dagdag pa ni Bautista.
(Leslie Ann G. Aquino)