Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang napatay habang tatlong iba pa ang naaresto ng mga miyembro ng Raxabago Police Station sa magkakahiwalay na anti-drugs operations sa Pandacan, Manila, noong Miyerkules ng gabi.
Napatay ng mga operatiba ng Anti-Illegal Drugs Unit ng Pandacan Police Station ang mga suspek na sina Paulester Lorenzo, 32, isang electrician; Danny Laurete, 34, nang manlaban sila sa isinagawang entrapment operation sa riles ng tren sa Barangay 837, Pandacan, bandang 8:20 p.m.
Nakuha sa dalawang napatay ang .38-caliber revolver, 10 pakete ng shabu, at dalawang pakete ng marijuana leaves.
Makalipas ang tatlong oras, nasawi rin si Rolando Bangayan, 28, ng Block 6, Tondo, matapos siyang makipagpalitan ng putok ng baril sa isang police-poseur buyer malapit sa Building 7 Katuparan Condominium bandang 11:14 p.m. Na-recover sa bangkay ni Bangayan ang sampung pakete ng shabu, isang green pouch na may lamang marked money, at isang .38-caliber revolver.
Bago naganap ang insidente, dinakip ng mga pulis sina Rommel Cruz, 31; Edwina Santos, 46; at Vilama Lagrosa, 32, nang makumpiska sa kanila ang 11 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P2,500, at dalawang piraso ng P100 bill na ginamit bilang marked money sa buy-bust operation, ayon kay PO3 Boy NiƱo Baladjay, may hawak ng kaso. (Analou De Vera)