NAGANAP na ang first shooting day ng award-winning TV host-comedienne na si Eugene Domingo para sa kanyang comeback film pagkatapos ng dalawang taong pamamahinga sa big screen.
Ito ay ang matagal na niyang binalitang sequel ng critically-acclaimed indie film na “Ang Babae sa Septic Tank.”
Naging hit ang unang “Ang Babae sa Septic Tank” noong 2011 at nanalo ito ng maraming awards dito at sa ibang bansa.
Sa Instagram noong nakaraang Aug. 7, pinost ni Uge ang kanyang excitement sa mu-ling pagharap sa movie camera pagkatapos ng dalawang taon.
Huling napanood si Uge sa mga pelikulang “Instant Mommy” at “Kuwentong Barbero (A Barber’s Tale).”
Nag-break muna si Uge sa paggawa ng pelikula at nag-concentrate muna ito sa TV.
Kasalukuyang bida si Uge sa top-rating comedy anthology ng GMA-7 na “Dear Uge” na nasa ikatlong season na.
“After 2 years of not making movies, I start shooting today, Sunday! See you at the movies and thank you everybody for the inspiration and undying support, this is all for you our dearest audience,” post pa niya.
Nag-post din si Uge ng mga kasama niya sa bagong “Septic Tank” movie na sina Cai Cortez, Kean Cipriano, Khalil Ramos at ang “You’re My Foreignoy” winner Gui Adorno at ang kanilang director na si Marlon Rivera.
Hindi pa sure kung makakasama sa sequel na ito ang isa sa original cast na si JM de Guzman. Pero wish ni Uge na makasama si JM para buo pa rin ang original cast ng “Septic Tank.”
Nakarating sa iba’t ibang film festivals abroad ang “Ang Babae sa Septic Tank” noong 2011 tulad sa Vancouver International Film Festival, Pusan International Film Festival, Hawaii International Film Festival, Tokyo International Film Festival, and the Far East Film Festival.
Pinili rin ng Film Academy of the Philippines para maging Philippine representative ito sa Best Foreign Language Film category ng 84th Academy Awards. (Ruel J. Mendoza)