ONCE an actor, always an actor. Matagal-tagal ding hindi napanood si Edu Manzano sa pelikula at telebisyon. Nag-lie low siya at nag-focus sa ibang bagay outside showbiz.
But deep inside, hinahanap-hanap pa rin niya ang buhay-artista. He has been in the business for over 30 years. Naging president siya ng Actor’s Guild. Naging chairman din siya ng Optical Media Board.
Ani Edu, hindi pala niya kayang tuluyang iwanan ang showbiz. Ang dami nang nagbago sa kalakaran. Aniya pa, hindi na niya kilala ang mga bagong artista at direktor.
Nahuhuli na siya sa balita na may pelikulang ganu’n.
Pero ayaw niyang mapag-iwanan. Gusto raw niyang makatrabaho ang mga bagong artista at direktor. Kaya naman sobrang thankful si Edu nang alukin siya ng GMA7 na makasama sa upcoming primetime series na pagbibidahan nina Tom Rodriguez at Lovi Poe.
Pinamagatang “Someone to Watch over Me,” kasama rin dito sina Max Collins, Boy2 Quizon, Ronnie Lazaro, Isay Serna, atbp. Mula sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes. Comeback project ito ni Edu sa Kapuso Network kung saan dati siyang nag-host ng isang late night talk show.
Twitter war
Grabe ang twitter war ng former lovers na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Mataray rin pala si Jake na feeling niya’y ginagamit siya ni Andi para sa promotion ng bagong pelikula nito.
Hindi naman daw siya kasali sa pelikula at matagal na silang walang contact. Ayon kay Jake, magsasawalang-kibo nalang sana siya, pero hindi niya matanggap ang pag-aalipusta sa kanya.
Sa tweet ni Andi, aniya, hindi niya siniraan si Jake dahil nakaraan na ’yung pinag-usapan sa presscon ng kanyang movie. Hindi raw niya ito nilait. Ang haba ng tweet ni Andi na bahagi nito’y sinabi niyang feeling at mayabang ang kanyang ex-boyfie. Nawala na rin daw ang respeto niya kay Jake.
Sinabi pa ni Andi na wala naman daw itong talent at naki-join lang sa AlDub (Alden Richards-Maine Mendoza) para makilala at makapagkampanya para sa kanyang daddy (Manila Mayor Joseph Estrada). Parang bulkang sumabog ang galit ni Andi kay Jake.
No bad words
Mabuti pa sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, walang bad words against each other noong nag-break sila. Ganu’n din sina Gerald Anderson at Maja Salvador, John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, Luis Manzano at Angel Locsin.
Noong i-delete ni Angel sa kanyang social media account ang lahat ng photos nila ni Luis, walang violent reaction ang TV host. No comment at ayaw pag-usapan ni Luis ang ginawa ng kanyang ex-girlfriend. No talk, no intrigue nga naman.
Okey, fine!
Pumayat na
Ang laki ng ipinayat ni Sunshine Dizon na bumagay sa kanya. Maganda ang pagkapayat niya, hindi katulad ng ibang nagpapayat na mukhang may sakit.
Si Sunshine, ang ganda ng aura kahit may pinagdaraanang problema sa relasyon nila ng kanyang estranged husband. Nag-effort talaga siya at sumailalim sa maraming treatment para ma-achieve ang kanyang new look. Gusto kaya niyang ipakita o iparamdam sa kanyang estranged husband na may dapat itong panghinayangan sa diumano’y ginawa nitong panloloko sa kanya?
Samantala, bumalik na ang karakter ni Sunshine bilang Adhara sa “Encantadia.” Siya ang bagong kalaban ng mga sang’gre na pinamumunuan ni Reyna Amihan (Kylie Padilla). Si Adhara ang may kagagawan kung bakit dumarami ang mga nawawalang engkantado. Unti-unti na siyang nagkakaroon ng pisikal na anyo, subalit hindi pa sapat para makita siya.
Manganganak na
Sa first week ng September nakatakdang manganak si Iya Villania sa first baby nila ng husband niyang si Drew Arellano. Antonio Primo ang napili nilang ipangalan sa kanilang baby boy. Para raw astig ang dating nito, ayon kay Drew.
Kamakailan ay ginanap ang baby shower na dinaluhan ng kanilang immediate families and some close friends. Kapuwa excited ang Arellano couple sa pagdating ng kanilang “liitle angel” at naihanda na nila ang lahat ng kailangang dalhin pag dinala si Iya sa ospital. Nasa isang bag ’yun at bibitbitin nalang ni Drew. Handa na rin ang nursery room sa kanilang bahay paglabas ng kanilang baby sa hospital.
Ayon kay Iya, malikot na ang baby sa loob ng kanyang tiyan. Para raw gusto na nitong lumabas.