Mabilis na pinagtanggol ng Olympic Gold Medalist from Singapore na si Joseph Schooling ang nagpalaki sa kanya na Pinay yaya na si Yolanda Pascual laban sa mga naging bashers at haters nito sa social media.
Hindi pumayag ang Olympian na basta na lang alipustahin ng mga walang magawang netizen sang kanyang tinuturing na “second mom”.
“Auntie Yolly, she’s like my mom. She’s like my second mom.
“It’s disappointing hearing all these accusations of her trying to ride me and trying to use my success, you know, to increase her popularity.
“I think whoever said that should be shot.
“That’s stupid. That really pissed me off. That’s not true at all,” pagtanggol pa ni Joseph sa kanyang Auntie Yolly.
Ang nakakalungkot pa raw na karamihan ng mga bashers at haters ni Yolly ay ang kapwa pa niyang Pinoy.
Ang gusto lang daw ni Joseph ay kilalanin nilang mabuti ang babaeng tinuturing niyang pangalawang ina bago sila magbitiw ng mga masasakit na salita laban dito.
Tuloy, marami ang nagkainteres na makilala kung sino nga ba si Yolanda Pascual (na tubong Cagayan Valley) at paano siya naging miyembro ng Pamilya Schooling sa Singapore?
Inamin ni Yolly na nasaktan siya sa mga akusasyon ng mga tao na hindi siya kilala at hindi alam ang naging relasyon niya sa pamilya ni Joseph.
“I’ve been really getting bad comments. I came here to work as a nanny but it is a decent job,” sey pa niya.
Si Yolly ang nag-alaga kay Joseph mula sa pagkabata nito hanggang sa mabuo nito ang kanyang pangarap na maging isang Olympic swimmer.
“He is sometimes playful, but he is a very good boy.
“Until now, I do my share to help mold Joseph by taking care of him.
“Not just because of money, but because I love him,” pagtapos pa ni Yolanda Pascual. (Ruel J. Mendoza)